Answers

2016-07-20T19:34:19+08:00
Noong unang panahon mayroong isang hari na may tatlong anak na babae. Isa si Psyche sa tatlong magkakapatid at siya ang pinaka maganda sa mga magkakapatid. Sa sobrang ganda ni Psyche ay talaga namang maraming umibig sa kanya. Sinasabi rin na kahit ang diyosa ng kagandahan na si Venus ay hindi kayang tumapat sa gandang taglay ni Psyche. Ikinagalit ito ni Venus at mas lalo pang nakapag pagalit sa kanya ay nakalimot na rin ang mga kalalakihan na magbigay ng alay sa kanya, maging ang kanyang templo ay napabayaan na. Ang dapat sana na atensyon at mga papuri na para sa kanya ay napunta sa isang mortal. Dahil dito, nagalit si Venus at inutusan niya ang kanyang anak na si Cupid upang paibigin si Psyche sa isang nakatatakot na nilalang, ngunit ang nangyari ay ang kabaligtaran. Si Cupid ang umibig kay Psyche na tila siya ang nabiktima ng sarili niyang pana. Inilihim ito ni Cupid sa kanyang ina, at dahil sa kampante naman si Venus sa kanyang anak hindi na rin ito nag-usisa. Hindi umibig si Psyche sa sa isang nakakatakot na nilalang, ngunit wala ring umibig sa kanya. Kahit na sobra ang pagmamahal ng mga ginoo kay Psyche ay sapat na sa kanila ang nakikita lang nila ang dalaga. Samantalang ang kanyang dalawang kapatid ay nakapag-asawa na ng hari. Nagging malungkot si Psyche sa mga nangyayari. Kaya naglakbay ang amang hari ni Psyche upang humingi ng payo kay Apollo upang makahanap ng mabuting lalaking makakabiyak ng kanyang anak. Hindi alam ng amang hari na naunahan na siya ni Cupid upang hingin ang tulong ni Apollo kaya sinabi ni Apollo sa hari na makakapangasawa ng isang nakakatakot na halimaw ang kanyang anak at kailangan nilang sundin ang kanyang ipapayo. Nang nagawa na ng amang hari ang lahat ng ipinayo ni Apollo. Ipinag-utos niyang bihisan si Psyche ng pinakamaganda niyang damit. Pagkatapos mabihisan si Psyche, ipinabuhat ng hari ang anak na parang ihahatid sa kaniyang libingan papunta sa tuktok ng bundok. Nang makarating sa bundok na paroroonan naghintay ang magandang dalaga sa kanyang mapapangasawa. Walag kamalay mala yang magandang dalaga na ang kanyang mapapangasawa ay ang Diyos ng pag-ibig na si Cupid. Naging Masaya naman ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa mahal na mahal nila ang bawat isa ngunit may isang bagay ang hindi masilayan ni Psyche, ang mukha ng kanyang kabiyak. Nangako si Psyche sa kanyang kabiyak na kahit kalian ay hindi niya sasabihin sa mga kapatin niya na hindi pa niya nasisilayan ang mukha ng kanyang asawa, ngunit ang mga kapatid pala ni Psyche ay may masamang binabalak at sa pangalawang pagbisita ng mga ito kay psyche sinulsulan nila ito na suwain ang kondisyon ng kanyang asawa. Sa unang pagkakataon ay nasilayan niya ang napakagwapong mukha ni Cupid ngunit ito ay muntik ng ikamatay ni Cupid dahil sa isang aksidente .Nang malaman ito ni Venus ay lalo itong nagalit kay Psyche at irto ay pinahirapan niya ng husto. Iba’y ibang mga pagsubok ang ipinagawa niya kay Psyche subalit nalagpasan itong lahat ni Psyche at ‘di naglaon Ang pag-ibig (Cupid), at kaluluwa (Psyche) ay nagkatagpo sa likod ng mapapait na pagsubok sa kanilang pagsasama ay hindi na mabubuwag kailanman
0
2016-07-20T19:43:45+08:00
Noong unang panahon, may hari na may tatlong magagandang anak na babae. Isa na dito si Psyche, ang pinakamaganda sa tatlo. Labis siyang hinahangaan at sinasamba ng mga kalalakihan. Dahil dito, napapabayaan at nakakalimutan nilang mag-alay kay Venus, ang diyosa ng kagandahan. Sinabi rin nilang kahit si Venus ay hindi mapapantayan ang ganda ni Psyche. Dahil sa inggit at galit, inutusan ni Venus ang kanyang anak na si Cupid na paibigin si Psyche sa isang halimaw. Sinunod naman ni Cupid ang utos ni Venus. Ngunit, nang masilayan nito ang kagandahan ni Psyche ay umibig siya rito na parang napana niya ang kaniyang sariling puso. Nang maka-uwi si Cupid ay nilihim niya ang nangyari sa kaniyang ina. Nagtitiwala naman si Venus sa kanyang anak kaya hindi na niya tinanong pa. Ngunit hindi naganap ang kagustuhan ni Venus dahil walang nangyari. Sa kabilang dako naman, nag-aalala ang mga magulang ni Psyche dahil wala pa rin siyang asawa, kaya pinuntahan ng haring ama ni Psyche si Apollo para humingi ng tulong. Sinabi naman ni Apollo na dalhin nila ang kanilang anak sa tuktok ng bundok at bihisan ng pamburol. Matapang naman na hinarap ni Psyche ang kanyang kapalaran. Pagdating niya sa bundok, may nakita siyang mansiyon na parang ginawa para sa mga diyos. Dito niya nakilala ang kaniyang asawa, na hindi niya nakikita. Isang araw, pinuntahan siya ng kaniyang mga kapatid. Dahil sa awa, tinulungan niya ang mga ito kahit binalaan siya ng kaniyang asawa na huwag silang tutulungan. Naingit naman ang mga kapatid ni Psyche dahil sa kayamanan nito kaya sinabi nilang halimaw ang kaniyang asawa. Natakot naman si Psyche. Binilin siya ng kanyang mga kapatid na sindihan ang lampara at punyal para itarak sa dibdib ng kanyang asawa. Isang gabi, ng natutulog na ang kanyang asawa ay ginawa na ni Psyche ang bilin ng kaniyang mga kapatid. Nang makita nito ang mukha ng kanyang asawa, agad siyang namangha dahil sa kagwapuhan nito at labis naman siyang natuwa dahil hindi halimaw ang kaniyang asawa. Ngunit, natuluan ng langis ang balikat ng kaniyang asawa kaya nagising ito. Dito niya napagtanto na walang tiwala sa kaniya si Psyche at umalis palayo. Nang malaman ni Psyche na si Cupid ang kaniyang asawa, nagpasya siyang hanapin ito. Hinanap niya ito kung saan-saan ngunit wala ito kaya pumunta siya kay Venus dahil maaaring nandoon si Cupid. Ngunit, dahil sa galit si Venus sa kaniya, binigyan niya ito ng mga pagsubok. Sa panghuling pagsubok, inutusan ni Venus si Psyche na kumuha ng kagandahan kay Proserpine, ang diyosa sa ilalim ng lupa. Nang makuha niya ito, nasubok ang karupukan ni Psyche. Binuksan niya ang kahon kung saan niya nilagay ang kagandahan na hiningi kay Proserpine. Nahimatay siya ng buksan niya ito. Sa mga panahon na ito, magaling na si Cupid at sabik na siyang makita ang kaniyang asawa. Pero, ikinulong siya ng kaniyang ina. Nakatakas naman si Cupid sa bukas na bintana. Nakita niya si Psyche malapit sa palasyo. Tinusok niya ang kaniyang busog upang siya’y magising. Pinagalitan niya naman agad ito dahil sa ginawa niya. Inutusan na niya itong ibigay kay Venus ang kahon. Pinuntahan naman ni Cupid si Jupiter, ang diyos ng mga diyos at tao at hiniling na huwag na gambalain ng kaniyang ina ang kanilang pag-iibigan ni Psyche. Nagpatawag si Jupiter ng pagpupulong ng mga diyos kasama si Venus. Sinabi nitong pormal ng ikinasal si Cupid at Psyche at wala na dapat gumambala sa kanila. Idinala ni Mercury si Psyche sa kaharian ng mga diyos at iniabot ang ambrosia, ang pagkain ng mga diyos para maging immortal. Naging panatag na rin si Venus na maging manugang si Psyche dahil diyosa na ito. Dito na nagtatapos ang istorya.
1 1 1