Answers

2016-07-21T02:07:33+08:00
Ako'y umusbong sa tabi ng Pasig
Nagisnan ang ilog na asul ang tubig
Lumaking paligid ng bundok na mahangin
Langhap na langhap ang amoy ng preskong hangin


Ito ang buhay ng anak ng Pasig
Pa-swimming swimming sa asul na tubig
Playground lang ang bundok na nalinis mo
Musika'y ugong ng kotse at bangka n'yo


Anak ng Pasig nga kayo
Linis doon, linis dito
Nakita na ang langit kong ito
Nalinis din ang Ilog ko


Akala ko'y ganoon talaga ang mundo
Hanggang nakakita ko ang mga litrato
Di makapaniwalang Pasig na nga ito
Kaibigan ang ganda ng nangyari dito
(Ang ganda ng nangyari. Ang ganda ng nangyari.)


Anak ng Pasig nga kayo
Linis doon, linis dito
Nakita na ang langit kong ito
Nalinis din ang Ilog ko


Anak ng Pasig nga kayo
Pulot doon, pulot dito
Di n'yo alam na ang paglilinis n'yo
Ay bukas ko at ng buong mundo

Hindi pa nga huli ang lahat
Malinis na ang ilog at dagat
Kapag Pasig ay inaalagaan
Parang bukas ang matutunghayan


Anak ng Pasig nga kayo
Linis doon, linis dito
Nakita na ang langit kong ito
Nalinis din ang Ilog ko

Anak ng Pasig nga kayo
Pulot doon, pulot dito
Di n'yo alam na ang paglilinis n'yo
Ay bukas ko at ng buong mundo

Anak ng Pasig nga kayo
May bukas na ang ating mundo
 

-vernice-
0