Answers

2016-07-21T18:41:11+08:00
Ang pang-abay na pamaraan ay ang pang-abay na naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit sa ganitong uri ng pang-abay ang mga panandang nangna, at -ng. Halimbawa sa paggamit nito ang pangungusap "Sinakal niya ako nang mahigpit"
0
2016-07-21T18:42:56+08:00
Pang-abay na Pamanahon – nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.

          May pananda
          Nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang

          Halimbawa
          Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?
          Tuwing pasko ay nagtitipon silang mag-anak.
          Umpisa bukas ay dito ka na manunuluyan
          Walang pananda
          Kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandali,atb.

          Halimbawa:
          Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino.
          Ipagdiriwang ngayon ng ating pangulo ang kanyang ika – 40 na kaarawan.

          Nagsasaad ng dalas
          Araw-araw, tuwing umaga,taun-taon atb.

          Halimbawa:
          Tuwing Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng santakrusan.
          Nag-eehersiyo siya tuwing umaga upang mapanatili ang kanyang          kalusugan.
0