Answers

2016-07-21T21:30:28+08:00
Talambuhay ni Apolinario Mabini
Kahit ka may kapansanan, maaari ka ring maging bayani ng bayan. Ito ay isang katotohanang naganap sa buhay ng isang paralitiko sa katauhan ni Apolinario Mabini.

Si Apolinario ay ipinanganak sa Tanauan, Batangas noong Hulyo 23, 1864. Kapwa magsasaka ang kanyang ama at ina na sina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan.

Bata pa lang ay kinakitaan na siya ng katalinuhan. Kahit mahirap lang ay nabigyan siya ng pagkakataong makapag-aral nang maipasa ang pagsusulit sa Kolehiyo de San Juan de Letran. Kahit na libre sa pag-aaral, kailangan din niyang bumili ng pagkain, uniporme at kagamitan. Napilitan siyang magturo ng Latin sa mga pribadong paaralan sa Maynila, Bauan at Lipa.

Nang matagumpay niyang natapos ang Bachelor of Arts ay ipinagpatuloy niya ang pag-aaral ng Bachelor of Laws sa Unibersidad ng Santo Tomas. Malaki ang gastusin ni Apolinario bilang estudyante ng abugasya kaya namasukan siyang istenograper sa Court of First Instance at klerk sa Intendencia General.

Ang pag-ibig sa bansa ang dahilan kaya muli niyang binuhay ang "La Liga Filipina" noong 1863. Nang halinhan ito ng Cuerpo de Compromisarios noong 1864 ay nahalal si Apolinario bilang Sekretaryo ng organisasyon. Ang nabanggit na samahan ay naglayong magbigay ng moral at pinansyal na tulong sa mga propagandistang Pilipino sa Espanya.

Kahit hati ang sarili sa pag-aaral, pagtatrabaho at pagtulong sa propaganda, nakuha pa ring matagumpay na matapos ni Apolinario ang abugasya noong 1895.

Habang namamasukan bilang notario publico, dinapuan ng napakataas na lagnat si Apolinario na nauwi sa pagkakasakit niya ng polio. Kahit na may sakit, nagpatuloy siya sa pagtulong sa mga rebolusyonaryo.

Nang malaman ng mga Guardia Civil ang pakikisangkot niya sa pagpapalaya ng bansa ay inaresto ang "Dakilang Paralitiko." Kung hindi sa kaniyang karamdaman, maaaring naparusahan siya ng kamatayan. Sa mismong Ospital ng San Juan de Dios kung saan siya ginagamot pinamalagi siya bilang bihag.
0
2016-07-21T21:33:44+08:00
Talambuhay ni Apolinario Mabini Si Apolinario Mabini (1864-1903), kilala bilang Dakilang Paralitiko at Utak ng Rebolusyon, ay pangalawa sa walong anak nina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan, sa baryo Talaga, Tanauan, Batangas. Edukasyon Noong siya ay bata pa, nagpakita na siya ng hindi pangkaraniwang talino at pagkahilig sa pag-aaral. Sa Maynila noong 1881, nakamit niya ang isang partial scholarship na nagbigay-daan upang makapag-aral siya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran. Natapos niya ang kanyang Batsilyer sa Sining noong 1887. Nag-aral din siya ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas mula 1888 hanggang 1894. Buhay Noong 1893, isa siya sa mga bumuhay ng La Liga Filipina na siyang nagbibigay-suporta sa Kilusang Pang-reporma. Noong taong 1896 naman, nagkaroon siya ng matinding sakit na nagdulot sa kanya na maging paralitiko habambuhay. Hinuli siya ng mga gwardiya sibil noong 10 Oktubre 1896, dahil sa pagkakaroon niya ng koneksyon sa mga repormista. Sumailalim siya sa house arrest sa ospital ng San Juan de Dios at nang kinalaunan ay pinalaya na rin dahil sa kanyang kondisyon. Nang bumalik sa Pilipinas si Emilio Aguinaldo noong 19 Mayo 1898, pinasundo niya si Mabini sa Laguna at matapos ang kanilang pagpupulong noong 12 Hunyo 1898, si Mabini ay naging punong tagapayo ni Aguinaldo. Isa sa mga pinakamahalagang rekomendasyon ni Mabini ay ang pag-aalis ng Diktadurya ng pamahalaan ni Aguinaldo at ang pagpapalit nito sa isang rebolusyonaryong pamahalaan. Nagsilbi rin siya sa kabinete ni Aguinaldo bilang Pangulo ng Konseho ng nga Kalihim at bilang Kalihim ng Ugnayang Panlabas. Isa pa sa mga importanteng dokumento na kanyang nagawa ay ang Programa Constitucional de la Republica Filipina, isang konstitusyon na kanyang iminungkahi para sa Republika ng Pilipinas. Ang introduksyon sa balangkas ng konstitusyong ito ay ang El Verdadero Decalogo, na isinulat upang gisingin ang makabayang diwa ng mga Pilipino. Nang sumiklab ang gyera sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano, tumakas si Mabini papuntang Nueva Ecija at nadakip ng mga Amerikano sa Cuyapo noong 10 Disyembre 1898. Nanatiling bilanggo si Mabini hanggang 23 Setyembre 1900. Nanirahan siya sa isang maliit na dampa sa Nagtahan, Maynila, at kumikita sa pamamagitan ng pagsusulat sa mga lokal na pahayagan. Ang artikulo niyang El Simil de Alejandro ay nagdulot sa kanyang muling pagkadakip at pagkatapon sa Guam kasama ang iba pang mga Pilipino. Habang nasa Guam, naisulat niya ang La Revolucion Filipina. Namatay si Mabini noong 13 Mayo 1903, sa gulang na 39 dahil sa kolera.
0