Answers

2016-07-22T18:37:29+08:00

 May apat na matatalinong mag-aaral mula sa Unibersidad ng Pilipinas ang mula sa iba’t ibang lugar at rehiyon sa Pilipinas. Sila ay napili ng kanilang propesor na magtungo sa isang “Virgin Forest” upang tumuklas ng kakaibang species ng hayop na kaugnay ng kanilang pananaliksik. Dala nila ang lahat ng kanilang kinakailangang mga gamit sa kanilang paghahanap. Sa kanilang paglalakbay…

            Tagalog: (Natuklaw ng malaking ahas) Aaahhhh!!! Tulong! Tulong! (Nangisay)

            Cebuano: Mga kasama tulong! (Natataranta at di alam ang ginagawa)

            Hiligaynon: (Nagulat at di rin alam ang gagawin) Anong nangyari?… Yong…..   “bulong”! Kunin mo…. Bilis!!!

            Ilokano: (Ninenerbyos)Anong “bulong” ang pinagsasabi mo pa diyan? Eh kung kunin mo nalang kaya yong “Agas” doon sa bag di may naitulong ka pa!

Patuloy pa rin sa pangingisay ang Tagalog habang…

            Cebuano: Hoy! (pagalit) ‘Wag na nga kayong mag-away diyan!  … Yong .. “tambal” bilis kunin niyo para may magawa kayo.


0