Answers

2016-07-24T21:27:04+08:00
Pormal Baguhin
Ang sanaysay na palana na tinatawag din na impersonal ay naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay. Tinuturing din itong maanyo sapagkat pinag-aaralan ng maingat ang piniling pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan din ito kasi makahulugan, matalinhaga, at matayutay. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito ay seryoso, pang-intelektuwal, at walang halong pagbibiro.

Isang uri ng pormal na sanaysay ay ang editoryal ng isang pahayagan. Isa itong sanaysay na may opinyon tungkol sa mga maiinit na mga balita. Bagama't may opinyon, ito ay hindi ginagamitan ng unang panauhan sa paglalahad.
0