Answers

2016-07-25T18:53:42+08:00

Ang Italya opisyal na Republikang Italyano ay isang bansa sa Katimugang Europa. May populasyon na 62 milyon, ito'y ang ika-siyam na pinakamataong lugar sa Europa at ika-dalawampu't tatlong pinakamatao sa buong mundo.

Ang kanyang teritoryo ay binubuo ng isang mahabang peninsula o tangway at ng dalawang malaking isla sa Dagat Mediterranean: Sicily at Sardinia. Ang Alps at mga bansang France, Switzerland, Austria, at Slovenia ay nasa hilagang hangganan nito. Ang mga malayang estado ng San Marino at Vatikan ay enclaves sa loob ng teritoryong Italyano. Ang Italya ay kasama sa G7 o grupo ng pitong pinakaindustriyalisadong bansa sa mundo. Ito ay nasa puso ng sinaunang Imperyong Romano, at sa ngayon ay puno pa rin ng mga yamang kasaysayang pinagbabasehan ng sibilisasyong kanluranin
1 5 1