Answers

2016-07-27T18:14:19+08:00
1 Ayon kay Peter T. Daniels, ito ay isang sistema ng humigit kumulang na permanenteng panandang ginagamit upang kumatawan sa isang pahayg kung saan maari itong mulingmakuha nang walang interbensyon ng nagsasalita.Sabi naman ni Florian Coulmas,ito ay isang set ng nakikitang simbolong ginagamit upang kumatawan sa mga yunit ng wika sa isang sistematikong pamamaraan, na may layuning maitala ang mga mensahe na maaaring makuha o mabigyang – kahulugan ng sinuman na may alam sa wikang ginamit at mga pamantayang sinusunod sa pag-eenkoda.Ito rin ayang paraan ng pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita,  simbolo, ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang isipan.Ito ay walang katapusan, paulit-ulit na prosesoo sa layuning makalikha at makagawa ng maayos na sulati; isang kasanayan.
0