Answers

2016-07-26T20:01:41+08:00
Ang Pangako ng Bagbabago SONA 2016 o State Of the Nation Address ay idinaos noong Julyo 25, 2016 sa Batasan, Quezon City. Si Pangulo Rodrigo Duterte ay dumating ng 3:25 ng hapon na mas maaga pa ng 5 minuto sa  inaasahang pagdating na 3:30 ng hapon. Mga bandang 3:55 p.m. ay nag-umpisa na siyang maglakad patugo sa main venue.
Ang nagustuhan ko sa kanyang SONA ay nung nagsalita siya ng "ALL OF US WANT PEACE". Sa unang pahayag niya, alam naman natin lahat na hindi madali makuha ang kapayapaan dahil sa mga nangyayaring terorismo sa maguindanao at pagpatay ng mga inosenteng tao. Sinabi niya na "hindi kapayapaan ng mga patay kundi ang kapayapaan ng mga buhay". Bumulib ako ng sinabi rin niya na "ipinapakita niya ang kagustuhan at kahandaan pakipagnegosasyon". Hindi naman kailangan na sanduguang laban ito para lang makuha ang kapayapaan kung may paraan naman tulad ng pagnenegosasyon ng maayos sa mga rebelde o terorismong tao. Ang mga sundalo na lumalaban para sa karapatang pangkalayaan ay bibigyan sana ng parangal dahil sa kanilang malakas na loob bara sa ikabubuti ng bansang Pilipinas.
Sa pahayag na "I ASSURE YOU, THIS WILL BE A CLEAN GOVERNMENT", marami naman siguro ang nangangarap na ang gobyerno ay tapat at malinis gampanan ang kanyang sebisyo sa taumbayan. Alam natin na sa panahon ngayon, may mga tao na pumapasok sa politika para itago ang mga tagong yaman para hindi madaling masangkot sa mga illegal na mga gawain. Sa halip na ipalago ang bansang Pilipinas ay ang sariling interes lang ang inaasikaso. Alam mo ba kung ano ang oligarch? Sila yung mga mayayamang tao na nagdidikta sa presidente na siyang dahilan kung bakit unti-unting nababagsak ang bansang Pilipinas. kung mapapaalis ang lahat ng tiwali sa gobyerno ay lalago at tataas ang ekonomiya ng bansa. 
0