Answers

2016-07-28T00:47:46+08:00
4. Ikaapat na Yugto: Pagsusuri ng Sarili/Pagninilay.
-Sa sandaling ito, binabalikan natin ang ginawang paghatol. Pinagninilayan natin ang ating paghatol upang matuto mula sa ating karanasan. Kung sa pagninilay ay mapatunayan natin na tama ang naging paghatol ng konsensiya, kinukumpirma natin ang ating pagiging sensitibo sa mabuti at masama at higit na pinagtitibay ang ating moralidad. Sa kabilang banda, ang negatibong resulta ng maling paghatol ng konsensiya ay indikasyon na itama ito kung maaari pa at matuto rin mula sa maling paghatol.
1 4 1