Answers

2016-07-28T09:00:13+08:00
Nahabag ang ina. Sa kanyang puso, alam niya ang pagnanasa ng kanyang anak na makapag-aaral. Matagal na niyang napupuna ang inggit sa munting mga mata ng anak sa mga nagsisipasok na mga bata doon sa kalapit na eskuwelahan. Minsan, nakikita niyang nakatanghod ang anak sa mga ito. Ang lumang abakadang napulot ng ama sa basurahan ang pinagtitiyagaang basahin. Kabisado na niya ang mga nakasulat doon-mula sa puso.
0