Answers

2016-07-28T15:33:51+08:00
Ang Heograpiya ay galing sa dalawang salitang griyego na"GEO" na ang ibig sabihin ay mundo at "GRAPHIEN" na ang ibig sabihin ay paglalarawan. Ito rin ay ang pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig o mundo. 



Heograpiya ay ang pag-aaral sa pisikal na anyong lupa at mga gawain ng mga taong kabilang dito. 

Ang heograpiya ay ang pag-aaral tungkol sa mundo. 
1. Hiyograpiya

Ang hiyograpiya ay ang pag-aaral ukol sa mundo at sa lupa nito, kasama na ang pisikal na atribusyon, mga taong naninirahan at penomena. 

2. Pitong kontinente

· Aprika - pangalawa sa may pinakamalaking sukat ng lupa kung saan sakop ang 11, 700,000 sq. miles at binubuo ang 5.9 porsyento ng total na sukat ng mundo. 

· Antartika - ang 98 porsyento nito ay binubuo ng yelo at syang nag-iisang kontinente na hindi tinuturing bilang isang bansa at hindi inaangkin ng alinmang bansa. 

· Asya - ito ang pinakamalaking kontinente na tinitirhan ng halos 60 porsyento ng mgha tao. 

· Australia - pinakamaliit sa ngalan ng sakop na lupa na may 4, 000, 000 sq. miles ngunit may masaganang populasyon ng halos 20 milyong tao. 

· Europa - tanging ang pag-unlad sa politika at kasaysayan ang nagging batayan ng pagkilala sa Europa bilang isang kontinente. Sakop nito ang 4 milyon sq. miles bagama't napakadami ng populasyon sa 705 milyong tao. 

· Hilagang Amerika - sakop nito ang Artika bagama't itinuturing na sakop din ang halos kabuuan ng Sentral Amerika. May kabuuang 9.45 milyong sq. miles ang lupa nito at halos 514 milyong tao ang nakatira dito. 

· Timog Amerika - sakop nito ang 6.9 milyong sq. miles at binubuo ang 3.5 porsyento ng total na sukat ng mundo. Ikalima ito sa listahan ng pinakamadaming populasyon sa mundo sa bilang na 371 milyong tao. 

3. Ang salitang Asya ay hango sa orihinal na konsepto ng kanluraning sibilisasyon. Hango ito sa salitang griyego naἈσία mula kay Herodotus (halos 440 BC) para maging batayan ng Anatolia - o maging diskripsyon ng Persian Wars - sa imperyong Persian, laban sa Ehipto at Griyego. Marami sa mga Griyego ang nag-akala na ang salitang asya ay hinango sa pangalan ng asawa ni Prometheus na si Hesione. Sinasabi naman ng mga Lydians sa hango ito sa pangalan ni Asias, anak ni Cotys. Bago pa man si Herodotus, si Homer (isang manunulat ng mitolohiya) ay pinangalanan ang dalawa sa mga tao sa Trojan Wars, isa nga dito si Asios. Sa mitolohiya ng Griyego, ang "ASIA" (Ἀσία) o "ASIE" (Ἀσίη) ay pangalan ng isang diwata o dyosa ng Lydia ng mga Titan.

Ang heograpiya ay isang siyensa tungo sa pagbabahagi at pagsasaayos sa mga elementong matatagpuan sa ibabaw ng mundo. Bukod dito, ito rin ay isang pagaaral tungkol sa mundo; ang mga katangian nito; ang pagsisimula ng buhay, kasama ang buhay ng tao at aktibidades ng tao. 
== Answer == Ang heograpiya ay isang siyensa tungo sa pagbabahagi (distribution) at pagsasaayos (arrangement) sa mga elementong matatagpuan sa ibabaw ng mundo. Bukod dito, ito rin ay isang pagaaral tungkol sa mundo; ang mga katangian nito; ang pagsisimula ng buhay, kasama ang buhay ng tao at aktibidades ng tao. 
ang heograpiya ay ang pag-aaral sa mundo at lahat ng mga nangyayari dito.
0