Answers

2016-07-28T21:18:22+08:00
The first SONA highlighted the urgency for change for the benefits of the Filipinos. This includes war on illegal drugs and criminalities, anti-corruption campaign, pushing federalism, solution on Metro Manila traffic and more jobs for the Filipinos.

However, some issues like lowering of the age of responsibility to 12 (as mentioned by Duterte early June), anti-contractualization and death penalty to augment war on drugs were not mentioned.

Duterte's SONA really set change - reduced budget for food and the historic event is no longer a fashion show of spouses of the legislators and guests as business attire was observed in all attendees.

As compared to previous SONAs, a peaceful demonstration of the militant groups happened outside the Batasang Pambansa. The militants from the Left including the lumad from Northern Mindanao and Caraga have vowed not to march in protest as their tradition, but in support of the new President.

READProtesters create “Portrait of Peace” instead of burning Duterte effigy during SONA rally

One thing is sure, and as Duterte promised, "this will be a clean government."
0
2016-07-28T21:20:17+08:00
Ngayong ika-dalalawampu't lima ng Hulyo 2016, ginanap ang Unang State of the Nation Address (SONA) ng ika-labing anim na presidente ng republika ng pilipinas na si Pangulong Rodrigo "Digong" Roa Duterte sa Batasan, Quezon City. Ang ating bansa ay humaharap sa samu't-saring mga problema. Ang layunin ni Pang. Duterte ay maging maayos, mapayapa at magkaroon ng tunay na pagbabago sa ating bansa. Sinabi ni Duterte na ang paninisi ay hindi paraan sa pagresolba ng mga problemang kinakaharap natin bagkus atin itong labanan. Isa sa mga problema na ating kinakaharap ay ang laganap na droga at korapsiyon. Kailangan natin ng lakas ng loob para lumaban para sa ikakabuti natin. Sabi ni Duterte, gawin ng mga opisiyal ang kanilang trabaho nila at gagawin niya ang kaniya. Dagdag niya pa, ang mga big time na gumagamit ng droga ay wala sa ating bansa. Ang mga pilipino na positibo sa droga ay nagsisilbi lamang tulay para magpalaganap ng pinagbabawal na gamot dito sa atin. Siya ay determinadong labanan ang krimen. Isa sa mga programa niya ay ang pagpaparami ng drug rehabilitations para sa mga sumukong drug users. Kadalasan, mga menor de edad ang ginagamit ng mga sindikato sa iligal na transaksiyon. Ang karapatang pantao ay hindi maaaring gamiting palusot para masira ang ating bansa. Kailangan natin palakasin ang koordinasiyon natin sa Indonesia at Malaysia para maitigil ang pangki-kidnap. Atin rin niyang isusulong ang pagresponde agad sa mga kalamidad, pagkakapantay-pantay sa bangsamoro, mga katutubo at iba pa. At para sa mga muslim nating mga kapatid, sana ay atin na itong wakasan. Ang administrasyon ng ating pangulo ay ipagpapatuloy ang Macro-Economic Policies. Sinabi pa niya na, babawasan ang mga buwis na ating binabayaran at lilikha ng maraming mga trabaho para sa sambayanang pilipino para sa ikakaunlad ng Pilipinas. Dahil din sa lumalago nating populasyon, marapat lang natin na pagpuunan ng pansin ang RH Law (Reproductive Health Act of 2012). Ito ay naglalayon na magkaroon ng pagpaplano dahil kailangan natin magkaroon ng kontrol sa pagbuo ng pamilya. Aayusin at gagawa din ang ating pangulo ng mga daanan para sa magagandang lugar dito sa ating bansa. Tungkol naman sa hanapbuhay, mas paiintigin ang Fisheries Laws. Mas pagbibigyan ng pansin ang mga nangangailangang mangingisda kaysa sa mga mayayaman na negosyante. Ang lisensya sa pagmamaneho naman ay balido hanggang limang taon. Ang oras naman transportasiyon sa LRT ay papahabain na. Nilagdaan na din ng ating pangulo ang FOI Bill (Freedom of Information Bill). "Ang FOI Bill ay magpapahintulot ng transparency sa mga dokumento at transaksyon sa gobyerno. Dahil ang publiko ay magkakaroon ng ‘access’ sa mga ito, mababawasan ang ‘inefficiency’ at korapsyon. Ang ating mga opisyal ay magiging ‘accountable’ sa kanilang mga ginagawa na makikita agad ng mga tao." Ayon sa ating pangulo, "ang Malacanang ay bukas para sa mga reklamo ng pilipino ukol sa korapsyon. Ibig sabihin lamang nito ay, handang tumulong ang ating pamahalaan sa mga problema nating kinakaharap sa buhay. Wala ring magaganap na demolisiyon kapag walang paglilipatan sa mga pinaalis na mga nakatira sa pinagbabawal na lugar. Kailangan natin maging industrialisadong bansa. Kinausap na din ni Pangulong Duterte ang DSWD para sa tulong na salapi para sa walang kayang pamilya. Isinusulong din ng administrasyon niya ang karapatan ng mga kababaihan. Sinabi pa niya na, sisiguraduhin niyang 101 % na malinis ang kaniyang panunungkulan. Lahat tayo ay pantay-pantay sapagkat nilikha tayong lahat ng Ating Panginoon. Tayo ay tinuruan ng ating magulang at mga guro na maging mabuting ehemplo. Huwag natin sisirain ang ginagawang pagbabago ng ating presidente. Ginagawa nila iyon para sa kapakanan ng ating bayan. Kung alam mong iligal, huwag mo ng gawin pa kung ayaw mo makaranas ng bakal na kamay. Kailangan lang natin magkaisa para sa tunay na pagbabago para sa ikakaunlad ng ating bansa. -HAHAHA. SOURCE:MYSELF
1 5 1