Answers

2016-07-31T17:52:15+08:00

Ang henus na Australopithecus ay isang grupo ng hindi na umiiral na mga hominid, mga gracile australopithecines, na ninuno ng henus na Homo. Ayon sa Proyektong Henoma ng Tsimpansi, ang tao at ang tsimpansi ay may parehas na angkang naghiwalay mula sa isang parehas na ninuno noong 5-6 milyong taon na ang nakalipas.

Batay sa ebidensiyang natipon ng mga paleontologo at mga arkeologo, ang henus na Australopithecus ay nag-ebolb sa silanganing Aprika noong mga 4 milyong taong nakakalipas bago ang pagkalat nito sa buong kontinente at kalaunang naging extinct noong 2 milyong taong nakakalipas. Sa panahong ito, ang ilang mga species ng australopithecus ay lumitaw kabilang ang Australopithecus afarensis, Australopithecus africanus,Australopithecus anamensis, Australopithecus bahrelghazali, Australopithecus garhi at Australopithecus sediba.

0