Answers

2016-07-29T12:39:26+08:00
Ito ay nkkadulot ng masamang epekto satin, nagging violente ang mga tao kng ito ay mlulong sa ipinagbbwal na gamot,,
0
2016-07-29T17:51:54+08:00
Ang pagkalulong sa bawal na gamot o drugadiksiyon ay ang pagkakaroon ng pagkahumaling, pagkaadik, o adiksiyon ng isang tao sa mga pinagbabawal na gamot. Isa itong uri ng katayuan o karamdaman na mahirap tanggalin at iwasan ng isang taong nasa ganito nang kalagayan, o ng taong nagumon na sa pagkasanay sa paggamit ng ganitong mga uri ng gamot; sapagkat matindi na ang kanyang pagkasugapa o pagkahaling sa masasamang mga gamot o bisyo. Maaaring isang biktima ang taong adik o adikto ng pangangalakal ng mga ito, o dahil na rin sa kanyang sariling pagpapasyang dala ng hindi makayanang mga suliranin o katayuan sa buhay.

[email protected]^solving :)

0