Answers

2016-07-29T16:27:33+08:00
Ang taong nagigipit,sa patalim man kumakapit 
Kahit saang gubat ang mayroong ahas
Kung ano ang itinanim sya rin ang aanihin
Kung ano ang puno, siya rin ang bunga
Kung hindi ukol, hindi bubukol.
Kung may isinuksok, may dudukutin
Kung sino ang pumutak, siya ang nanganak.
Nasa tao ang gawa,  nasa Diyos ang awa.
Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
Pagmakitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot.                            Pagsasama ng tapat, pagsasama ng maluwat
Ang may malinis na kalooban ay walang kinatatakutan
Ang mabuting halimbawa, ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila
Ang katotohana'y kahit na ibaon, lilitaw pagdating ng takdang panahon
Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula
Magbiro ka sa lasing, huwag sa bagong gising
Bago mo sikaping gumawa ng mabuti, kailangan mo munang igayak ang sarili
Ang lumalakad ng marahan, matinik man ay mababaw. Ang lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalim Kasama sa gayak, di kasama sa lakad
Ang tao na walang pilak, parang ibong walang pakpak
Ang hindi tumupad sa sinabi, walang pagpapahalaga sa sarili
Gaano man ang iyon lakas, daig ka ng munting lagnat
Ang maniwala sa sabi-sabi'y walang bait sa sarili
Mga salawikain patungkol sa pagkakaisa at pagtutulungan.
Anuman ang tibay ng piling abaka, ay wala ring lakas kapag nag-iisa
Kaya matibay ang walis, palibhasa'y nabibigkis
Ang mabigat gumagaan pag napagtutuwangan
Ang lakas ay daig ng paraan
Ako, ikaw o kahit sinumang nilalang, tayong lahat ay arkitekto ng sariling kapalaran
Mga salawikain patungkol sa kagitingan at katapangan.Ang lihim na katapangan ay siyang pakikinabangan
Sa larangan ng digmaan, nakikilala ang tapang
Marami ang matapang sa bilang, ngunit ang buong-loob ay iilan
Ang bayaning masugatan, nag-iibayo ang tapang
0
ang hirap wait po dagdagan ko pa
Nawala ang ari, ngunit hindi ang lahi
Ang lalaking tunay na matapang, hindi natatakot sa pana-panaan