Answers

2016-07-29T16:37:20+08:00
Ito ang ilang halimbawa ng kasabihan ng mga matatanda: 
-kung may tyaga may nilaga
-aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo 
-habang maikli ang kumot, matutong mamaluktot
Halimbawa ng mga kasabihan o salawikain: 
Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.
Kung ano ang itinanim, siya rin ang aanihin.
Kahit saang gubat, ay mayruong ahas.
Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.
Kung hindi ukol, hindi bubukol.
Kung may isinuksok, may dudukutin.
Kung sino ang pumutak, siya ang nanganak.
Magkulang ka na sa iyong magulang, huwang lang sa iyong biyenan.
May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.
Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa.
Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
Pagmakitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot
0
2016-07-29T16:54:31+08:00
Halimbawa ng kasabihan:
*wala ng hihigit pang kadakilaan sa pag alay ng buhay sa bayan.
*huwag kang maniwala sa hindi mo kakilala.
*ang hindi marunong lumingon sa pinangagalingan ay hindi makakarating sa paroroonan. 
*ang hindi magmahal sa sariling wika ay mahigit pa sa hayop at malansang isda.
*ang tunay na pagibig sa bayan ay nasa pawis ng gawa 

Ang kahulugan ng kasabihan ay  mga matatalinhagang salita na galing sa mga ninuno natin na nagbibigay ng moral o aral sa mga kabataan.
0