Answers

2016-08-01T10:40:17+08:00

Ang masasabi ko sa SONA(State Of The Nation Address) ni Pangulong Duterte na ginanap noong ika-25 ng Hulyo, 2016. Ito ang kauna-unahang SONA ng ating Pangulo.Sa kabuuan, maganda ang kanyang naging SONA. Natalakay niya ang lahat ng mga isyus na gustong masolusyonan ng tao. Halimbawa na lang ay sa krimen, nangako siyang gagawin ang lahat ng gobyerno upang lumiit ang numero ng mga krimen na nagaganap. Maganda ang kanyang naging SONA  dahil naging impormal ito at parang nakikipag-usap sa tao. Pang-masa ang dating kaya mas maiintindihan ng taong-bayan. Hindi naman lahat ng Pilipino marunong magsalita ng ingles. Sana lang mas naging pormal ito kahit na naging maganda ang kabuuan dahil ito ay fineature di lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.Sana matupad ang lahat ng kanyang pangako at hindi na lang ito basta-basta malilimutan.At ito ang pinakamatagal na SONA at marami siyang gustong gawin sating bansa sa tingin ko magiging maayos ang lahat, maganda at puno ng mga  magagandang idolohiya tungkol sa pagbabago at pag-asa nang ating bansa.
0