Answers

2016-07-31T22:20:53+08:00
Ayon nga sa balita halos lahat ng unang beses ay nangyari sa sonang ito ni President Duterte. Mula sa kanyang kasuotan, sa kasuotan din ng lahat na dumalo mapaartisa man ay napakasimple lamang. Gayun na din mga pagkaing inihanda. Kung ang mga nakaraang sona ng mga dating presidente ay napakapormal tipong kahit nanonood ka lamang sa telebisyon wari'y nakakatulog ka na sa sobrang pagkapormal. Kumpara sa katatapos lamang na sona ay may halong mga biro ang kanyang mga speech (forgot the Tagalog term). Sa mga pangako naman niya ay parang tulad lang din lamang noong panahon pa lamang ng kampanya. Pinagkaiba nga lang ay mas may kapangyarihan na siya ngayon. Iilan sa mga aspetong kanyang natalakay ay patungkol sa mga droga, agrikultura, kapayaan lalo na sa Mindanao, mga mabibigat na traffic sa iba't ibang parts ng bansa at iba pa.
0