Answers

2016-08-01T18:35:04+08:00

Ang Burma ay naging tirahan ng iba’t – ibang lahi.Ang kapatagan ng ilog ng Irrawaddy at Salween ay panirahan ng mga dayuhang nagmula sa Tibet, Tsina, at India. Ang naghalong lahi ng mga pangkat na ito ang naging ninuno ng mg kasalukuyang Burmese. Pinaniniwalaang ang kahariang Pagan ang naglatag ng pundasyon ng kahariang Burma.

Si Anawratha ang kinikilalang unang hari ng kahariang Burma.Naging malugod ang pagtanggap ni Anawratha sa relihiyong Buddhism. Kaya’t lumganap ang sining at panitikang Buddhist sa lipunang Burmese.

Nang namatay si Anawratha, ang mga sumunod na hari ng Burma ay sadyang naging mahina. Sa loob ng dalawang siglo ang imperyo ay naging pugad ng nag – aaway na kaharian. Si Buyin Naung ang muling nakapagbalik ng pagkakaisa sa imperyo at itinatag niya ang kabisera ng Burma sa Pegu hanggang sa kanyang kamatayan noong 1581.

0