Answers

2016-08-09T18:59:25+08:00
Sa isang malawak na espasyo ng katedral ay may nakatirang isang lalaking kuba na pinaratangan bilang isang " Papa ng Kahangalan". Ang lalaking ito ay si Quasimodo. Si Quasimodo ay naninirahan kasama si Frollo ang isang pari na tinalikuran ang Diyos para lang sa babaeng pinagnanasaan at iniibig niya. Sa hindi inaasahan bigla itong nakita si La Esmeralda ang isang mananayaw. At dahil sa nabihag ang kanyang puso ay sinundan niya ito. Habang naglalakad ang dalaga ay biglang sumulpot si Quasimodo at Frollo at pilit nila itong kunin. Ngunit may biglang dumating na alagad ng hari. Si Quasimido ay nahuli ng alagad ng hari ngunit si Frollo ay nakatakas. Pinarusahan at nilitis nito si Quasimodo labis nandurusa ang kuba sa hindi inaasahan biglang dumating ang dalaga at binigyan siya ng tubig at dahil dun sa ipinakitang kabutihan ng dalaga ay napaibig siya. Nang lumipas ang buwan habnag sumasayaw ang dalaga ay nagtama ang paningin nila ni Phoebus ang lalaking niligtas siya. At walang anong ano ay napaibig sila sa isat isa labis na nadurusa si Frollo sa kanyang nakikita. 



Tbc hahaha
0