Answers

2016-08-01T22:22:35+08:00
1. Buhay-alamang, paglukso ay patay 2. Kasama sa gayak, di kasama sa lakad 3. Ang tao na walang pilak, parang ibong walang pakpak 4. Ang hindi tumupad sa sinabi, walang pagpapahalaga sa sarili 5. Gaano man ang iyon lakas, daig ka ng munting lagnat 6. Ang maniwala sa sabi-sabi'y walang bait sa sarili 7. Mga salawikain patungkol sa pagkakaisa at pagtutulungan. 8. Anuman ang tibay ng piling abaka, ay wala ring lakas kapag nag-iisa 9. Kaya matibay ang walis, palibhasa'y nabibigkis 10. Ang mabigat gumagaan pag napagtutuwangan 11. Ang lakas ay daig ng paraan 12. Ako, ikaw o kahit sinumang nilalang, tayong lahat ay arkitekto ng sariling kapalaran 13. Mga salawikain patungkol sa kagitingan at katapangan. 14. Ang lihim na katapangan ay siyang pakikinabangan 15. Sa larangan ng digmaan, nakikilala ang tapang 16. Marami ang matapang sa bilang, ngunit ang buong-loob ay iilan 17. Ang bayaning masugatan, nag-iibayo ang tapang 18. Nawala ang ari, ngunit hindi ang lahi 19. Ang lalaking tunay na matapang, hindi natatakot sa pana-panaan 20.Kapag pinangatawanan, sapilitang makakamtan 21. Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula 22. Ang magandang asal ay kaban ng yaman 23. Pagsasama ng tapat, pagsasama ng maluwat 24. Ang may malinis na kalooban ay walang kinatatakutan 25. Ang mabuting halimbawa, ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila
0