Answers

2016-08-02T05:12:46+08:00
Ang sining sa mga musika ay ekspeksyon kanilang paniniwala ukol sa pinagmulan ng mundo at ang kanilang bahagi rito. May apat ma pangkat ang sining ng muslim ------ ang pag-ukit ng kahoy ang gawaing metal, ang paghabi, ang pagbuburda, at ang paggawa ng banig at basket. Kilala ang mga badjao sa kanilang inuukit na bangka, tanyag ang mga Yakan sa kanilang makukulay na hinabing tela, ang Samal sa kanilang makulay na banig at ang mga Maranao sa kanilang gawaing tumbaga (brasswork). May dalawang tradisyon ang mga Maranao tungkol sa pinagmulan ng kanilang sining: Ang una ay nagmula umano ito sa sinaunnang Benibaran sa pamamagitan ni Tominawan sa Rogong; isang kamg-anak ni Prinsipe Bentugan si Tominaaw sa Rogong ang kauna-unahang nakatuklas ng lihim ng sining at gumawac ng disenyo ng isang bangka. Ang ikalawa ay nagsasaad naman na dinala ang sining sa lupa ng mga Nabis (propeta buhat sa langit.
0