Answers

2016-08-02T05:33:45+08:00
Tuwing ipagmamalaki ni Senador Blas F. Ople ang kahalagahan ng wikang pambansa, malimit niyang banggitin ang naging pangangailangan sa isang Shakespeare upang kilalanin ang Ingles, sa isang Dante upang maging wika ng buong Italya ang wika ng kanyang Commedia, o sa isang Alexander Pushkin upang igalang ang wikang Ruso sa kaniyang bansa. Tagapagdiin siya ng paniwala na napakalaki ng tungkulin ng dakilang mga akda tunggo sa paggalang at pagtanggap sa isang wikang katutubo upang piliing wika ng isang bansa mula sa hanay ng kalipunan ng iba pang wikang katutubo. Ito halimbawa ang saloobin ng kaniyang pahayag na Chaucer ng Tagalog si Balagtas. Kung sa bagay, panitikan ang pinakasukdulang patotoo ng pag-unlad ng isang wika. At tiyak na masasabing inihatid ni Francisco Balagtas ang wikang Tagalog sa isang karurukan, sa pamamagitan ng ‘Florante at Laura.’ Ginampanan niya sa wikang Tagalog ang paglilingkod ni Chaucer sa wikang Ingles. Katulad ni Chaucer, ang mahusay na pagkasulat ni Balagtas sa Florante at Laura ay makatatawid sa lahat ng balakid at mga suliranin ng wikang Tagalog.
0