Answers

2016-08-02T17:14:44+08:00
Ang Ibong Adarna ay isang korido na isinulat noong panahon ng Espanyol na ngayon ay bahagi na ng Panitikan atMitolohiyang Pilipino [1]. Noong panahon ng pananakop ng mga Kastila saPilipinas, kilala ito sa pamagat naCorrido at Buhay na Pinagdaanan ng Tatlóng Principeng Magkakapatid na anak nang Haring Fernando at nang Reyna Valeriana sa Kahariang Berbania[2]. May mala-epikong istilo ng pagkakasalaysay ang Ibong Adarna na tumatalakay sa kabayanihan, pag-ibig at kababalaghan. Nakasentro ang kuwento sa Adarna, isang ibon na nagtataglay ng mahiwagang kapangyarihan na nakapagpapagaling ng anumang karamdaman sa sandaling umawit at marinig ang tinig nito. Umiikot din ang kuwento sa pakikipagsapalaran ni Don Juan, isang prinsipe ng Kahariang Berbanya sa kanyang paghahanap sa Ibong Adarna, paglalagalag sa iba't ibang lupain at pakikipag-ibigan kina Donya Maria Blanca at Donya Leonora[3]. May ilang mga kritiko[sino?] ang nagsasabing maaaring ang sumulat ng Ibong Adarna ay si Jose de la Cruz o kilala sa tawag na Huseng Sisiw
0