Answers

2016-08-02T17:24:46+08:00
Tradisyunal na Ekonomiya ay tumatalakay sa kultura,lahi at iba pa.Ito ang mga nakasanayan ng ibang mga tao kaya't pinapanatili nilang simple ang pamumuhay nila rito. Kasama dito ang mga bansang Iran,Indonesia etc.;
1 4 1
2016-08-02T17:29:01+08:00
Ang pinakaunang anyo ng sistemang pang-ekonomiya ay ang tradisyonal na ekonomiya. Ito ay nakabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwala. Ang tanong kung ano ang lilikhaing produkto ay hindi mahirap sagutin sapagkat ang pangangailangan ng tao ay umiikot lamang sa pangunahing pangangailangan tulad ng damit, pagkain, at tirahan. Maging ang suliranin kung paano lilikha ng produkto ay simple lamang na tinutugunan. Ang mga pagkain ay ibinibigay ng kalalakihang nangangaso at kababaihang nagtatanim o nangunguha ng bungangkahoy.
Sa tradisyonal na ekonomiya, bagama’t walang tiyak na batas ukol sa alokasyon, may maliwanag na pagkakaunawa ang mga tao sa paraan nito. Halimbawa, ang mga kalalakihan ang namamahala sa sandata tulad ng sibat, samantalang ang kababaihan ang humahawak ng kagamitan sa pananahi. Ang anumang produkto na kanilang malilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilang pangangailangan at kung sino ang dapat gumamit.
1 2 1
sa libro mo kinuha yan no?
Hindi po. Stock knowledge lang yan din kasi yung topic namin ngayon sa AP
OK po
Salamat