Answers

2016-08-11T10:43:01+08:00
Ang Republika ng Indonesia (IndonesRepublik Indonesia, bigkas: /ˌɪndoʊˈniːziə/ o /ˌɪndəˈniːʒə/), ay isang bansa sa Timog-silangang Asya. Ito ay binubuo ng 17,508 mga pulo, at ito ang pinakamalaking estado sa buong daigdig na binubuo ng isangkapuluan. Tinatantiya na nasa 238 milyong katao ang populasyon ng Indonesia,[2] na pang-apat sa mga pinakamataong bansa sa mundo, at ang pinakamataong bansang Muslim; subalit walang opisyal na pananampalataya ang itinakda sa Saligang Batas ng Indonesia. Isang republika ang Indonesia, na may inihahalal na tagapagbatas (lehislatura) at pangulo. Ang kabisera ng bansa ayJakarta. Pinapaligiran ang Indonesia ng Papua New GuineaEast Timor at Malaysia, at kinabibilangan rin ang SingaporePilipinas,Australya, at ang Kapuluang Andaman at Nicobar ng Indiya bilang mga kalapit na bansa at teritoryo.

0