Answers

2016-08-03T17:44:04+08:00
Isang kaugalian nating mga Pinoy.  Noong bata pa ako pinag-aralan namin ito sa skwelahan. Ayos pala ang “close family ties ng mga Pilipino”. Magkikilala mo ang pinsan ng pinsan ng pinsan ng pinsan mo sa sobrang laki ng pamilya nyo. Sa reunion mo lang nalaman na niligawan mo na pala ang isa sa kamag-anak mo o naging syota mo pa. Tuwing Pasko, Bagong taon, Piyesta, Birthday, Wedding, Graduation, Baptism at Funeral sa mga ganitong okasyon nagtitipon, nagkakasiyahan, nagkwekwentuhan at walang sawang kamustahan.

Pero sa panahon ngayon parang sumobra na sa CloseFamily ties ang Pinoy. Kahit may asawa’t anak sa Magulang parin nakatira at walang trabaho maging ang asawa nito at ang nagiging kawawa walang iba kundi ang Magulang mo dahil sa mahal nya kayo at ang tinatawag na “CloseFamily ties”. Masarap talaga ang feeling ng magkakasama kayo sa iisang bubong ang nagiging problema sa mga anak na ganito, nagiging tamad na at nawawalan ng pangarap para sa kanilang mga anak. Hindi habang-buhay magta-trabaho ang magulang mo, tapos na rin ang responsibilidad nya para sayo dahil may sarili ka ng pamilya, hindi ba’t ikaw naman dapat ang tumulong sa Magulang mo?


0