Answers

2016-08-03T17:40:34+08:00
Noong 1519, nagsimulang maglakbay si Ferdinand Magellan (Fernando Magallanes) mula sa Espanya upang isagawa ang unang paglalayag sa paligid ng mundo. Ang panggagalugad ni Magellan ay binubuo ng limang mga barko tinatawag na San Antonio, Santiago, Concepcion, Victoria, at Trinidad na mayroong 264 mga tauhang mandaragat.[1] Si Magellan ay isang Portuges na naglilingkod sa ilalim ng watawat at Hari ng Espanya.[2] Noong Marso 16, 1521, narating ng kaniyang ekspedisyon ang pulo ng Samar sa Cebu,[3] kung saan tinanggap siya nina Raha Kolambu at Raha Siagu. Ang mga pulo ay pinangalanan ni Magellan bilang Kapuluan ni San Lazaro, at inangkin ang mga lupain para sa Kaharian ng Espanya,[1] sa ilalim ng pangalan ni Haring Charles I ng Espanya (Carlos I).[3] Si Magellan at ang kaniyang mga kasama ang sinasabing unang mgaEuropeong nakarating sa Pilipinas. [4] Nagpatayo si Magellan ng isang krus sa nasabing mga lupain. Pagkaraang ipakilala nina Raha Kolambu at Raha Siagu si Magellan kay Raha Humabon ng Cebu. Kasama ng humigit-kumulang sa 800 mga Cebuano, nabinyagan si Raha Humabon sa ngalan ng Kristiyanismo. Tinulungan ni Magellan si Raha Humabon na labanan si Datu Lapu-Lapu ng pulo ng Mactan. Namatay si Magellan sa labanang ito noong Abril 27, 1521. Ang natira pang mga Kastila sa kapuluan ay nagkaroon ng alitan, kabilang na ang pagtatalo ni Raha Humabon at ng mga Kastila hinggil sa kababaihan. Sa isang pag-aaway, napaslang ng mga Cebuano ang 27 mga Kastila. Nilisan ng mga Kastila ang Cebu upang ipagpatuloy ang kanilang paglalakbay. Nakabalik sa Espanya ang barkong Victoria (isang barko lamang na may nalalabing 18 mga tauhan) pagkaraan ng tatlong mga taon.[5]

0