Answers

2016-08-03T18:59:20+08:00
  Ang palakumpasan ay isang mahalagang bahagi ng lahat ng komposisyong musikal. Ito ang nagtatakda ng bilang ng pulso sa bawat sukat at kung ano ang uri at gaano karaming nota at pahinga ang dapat ilagay sa sukat.

  Ang palakumpasan ay binubuo ng dalawang bilang: isa sa itaas at isa sa ibaba. Ang bilang sa taas ang nagtatakda kung ilang pulso o kompas mayroon ang isang sukat at ang bilang sa ibaba ang nagsasaad kung anong uri ng nota at pahinga ang tatanggap sa isang kumpas.
 
1 5 1