Answers

2016-08-03T18:59:56+08:00
Kalikasan ay dapat nating ingatan

Ito'y mahalaga, ating alagaan

Sino ang nagbigay ng kapahamakan?

Tayong mga taong may kapabayaan.



Sinong mag-aalaga ng mga ito?

Kung tayo'y walang pakialam dito

Magtapon ng basura sa basurahan

At hindi sa kung saan-saan man.



Ang nakalbong gubat ay isang epekto,

Pagkaganid ng tao ang sanhi nito.

Kaya't wag nang magtaka sa kalamidad,

Darating yan kahit hindi natin hangad.



Kung hindi ikaw, sino ang kikilos?

Kung hindi tayo, wala ng maaayos.

Ako,Ikaw, Tayo ang inaasahan

Kaya't iligtas natin ang kalikasan.
0