Answers

2016-08-14T19:23:10+08:00
Ilan sa mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa ay ang mga sumusunod: 

1. Kawilihan ng Paksa - Dapat ay likas na napapanahon; may mayamang   damdaming pantao, may kapanapanabik na kasukdulan, naiibang tunggalian, at   may malinaw at maayos na paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan. 

2. Sapat na Kagamitan - mga datos na pagkukunan ng impormasyon. 

3. Kakayahang Pansarili - ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan at    hilig ng manunulat. 

4. Tiyak na Panahon o Pook - ang kagandahan ng isang kwento ay nakasalalay    sa malinaw at masining na paglalarawan ng panahon at pook na pinangyarihan    nito. kaya, mahalagang iwasan ang labis na paghaba sa panahong sakop ng    salaysay at pagbangggit ng napakaraming pook na pinangyarihan ng salaysay. 
5. Kilalanin ang mambabasa - sumusulat ang tao hindi para lamang sa kanya   pansariling kasiyahan at kapakinabangan kundi para sa kanyang mga   mambabasa. 
0