Answers

2014-08-02T14:17:49+08:00
Sa panahong ito, ang mga unang tao ay nabuhay sa pangangaso at pangunguha ng mga halamang-ligaw na makakain nila. Palipat-lipat sila sa paghahanap ng pagkain. May mga kasangkapang bato sila na maaaring inihampas, ipinukpok o tinapyas nila ayon sa paggagamitan ng mga ito.
0
Ang mga Pilipino noon ay may sarili nang paraan ng pamamahala na tumutulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga pamayanan. Ang mga uri ng pamahalaan ay mayroong mga lider o pinuno na nangunguna sa mga gawain ng mga tao sa pamayanan. Gumagawa rin sila ng mga batas na kailangang sundin ng mga tao. Ang lipunan noon ay nahahati sa tatlong pangkat. Ang mga ito ay ang pangkat ng Maharlika, TImawa at Alipin.
2014-08-02T15:44:22+08:00
Base sa aking na pag aralan ang pamumuhay ng mga tao noon ay mas kumplikado o mas mahirap kumpara ngayon ngunit kahit mahirap man ang pamumuhay nila karamihan sa kanila ay hindi sumusuko.Wala pa noong  mga inimbentong kagamitan upang mas mapa dali ang isang trabaho kumpara ngayon.

0