Answers

2014-08-10T21:11:20+08:00
Ang pormal o impersonal na sanaysay ay tumatalakay sa mga seryosong paksa tulad ng kamatayan, agham, pag-unlad, kabihasnan. Palatandaan ng kapormalay ay naididikta ng uri ng wikang ginagamit dito, di malapit o nakikipaglayo, siyentipiko, may himig na naguutos, mataas, at istandard. Sa ganitong uri, unang nakatatawag ng pansin sa kaisipan bago sa damdamin.

Ang di-pormal o personal na sanaysay ay magaan ang mga paksang matatagpuan, tulad ng paghihintay sa bus, kahit na ng pagtulog. Ang pagkamalapit ng impormal na sanaysay ay nagmumungkahing ang lenggwahe nito ay parang nakikipag-usap, mainit, mataginting, kung minsa'y garapal ngunit mapagnilay-nilay rin sa ibang paraan. Unang nakatatawag ng pansin sa damdamin bago sa kaisipan.
49 3 49
Kapormalan*** [Pormal o Impersonal]
Ang Pormal - mga matataas ang titulo at hindi mabababaw lang ang mga opinyon mo sa mga napapanahong isyu.

Di-pormal - mga mabababaw na issue o opinyon sa mabababaw na isyu.
ano po ang katangian ng sanaysay ?