Answers

2015-08-29T06:16:18+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
                Ang pamilya ang pinakamahalagang parte sa buhay ng mga Koreano. Sa  tradisyun ng Confucian, ang ama ang haligi ng pamilya at responsibilidad niya ang mabigyan ng pangunahing pangangailangan ang bawat miyembro ng pamilya tulad ng pagkain, damit, bahay at pagbibigay permiso o pahintulot sa pag-aasawa. Ang panganay na lalaki ay may espesyal na papel una sa kanyang mga magulang, ikalawa sa kanyang mga nakakabatang kapatid na lalaki, pangatlo sa kanyang mga anak na lalaki, pang-apat sa kanyang asawa at ang panghuli, sa kanyang mga anak na babae. Ang kapakanan ng pamilya nag pinakmahalaga kaysa mga pangangailangan ng bawat isa. Ang bawat miyembro ng pamilya ay nakatali sa isa’t-isa dahil ang bawat kilos ng bawat isa ay sasalamin sa buong pamilya. Ang pag-alam sa kasaysayan ng pamilya ay maggagawa sa pamamagitan ng rehistro ng pamilya at sa pamamagitan din ng ninununong lalaki sa loob ng 500 na taon. Ang pagbigay galang ay may stricktong tuntunin na dapat sundin. Maraming South Korean na nakipagkamay  lalo na sa mga taga ibang bayan, pagkatapos yumuko upang maipakita ang pagsanib ng kapwa estilo ng kultura. Ang nakakataas ng estado ang siyang unang nakikipagkamay, ang may mas mababang katayuan sa buhay naman ang siyang yuyuko sa mas nakakataas ng antas sa kanila. Ang impormasyon tungkol sa isang tao ay ibinibigay sa taong ipinakilala bago sila aktwal na magkita. Sa mga kasiyahan naman tulad ng panlipunang padadalo, maghintay na ipakilala at kung ika’y aalis na sa pagdalo, mamaalam at yumuko sa bawat isa.


11 3 11