Answers

2016-10-03T14:41:26+08:00
Ang modal ay mga salitang malapandiwa ngunit ginagamit sa ibang paraan. Sila ay kabilang sa pangungusap at karaniwang nagiging paraan ng pagpapayahag ng kagustuhan, posibilidad, kakayahan, obligasyon at pahintulot.

Halimbawa nito ay:
- maari
- gusto
- pwede
- nais
- dapat
- ibig
- hangad
GAMIT NG MODALS

1. Bilang kahawig ng pandiwa sa mga pangungusap na walang tunay na pandiwa.

Halimbawa: Hangad ko ang pagkapanalo mo.

2. Bilang panuring o pantulong sa pandiwa sa pangungusap na pawatas.

Halimbawa: Gusto niyang lumisan sa kanilang tahanan.

MGA URI NG MODAL
1. Nagsasaad ng kagustuhan  (Gusto kong matupad ang pangarap mo.)
2. Nagsasaad ng posibilidad o kakayahan. (Pwede namang ngumiti ka eh.)
3. Nagasasad ng obligasyon (Dapat mag-aral ka ng mabuti, anak.)


0