Answers

2016-03-21T03:52:22+08:00
Narito ang isang talata na hango sa isang sanaysay na masining na paglalarawan:

Sa tuwing mapapatigil ako sa mabilis nag pagtakbo ng aking buhay, bigla kong naalala ang aking pagkabata. Lumaki ako sa isang panahon kung saan hindi pa ganon kaprogresibo ang teknolohiya kaya napilitan kaming maglaro sa mainit na sikat ng araw habang pinupuno ng alikabok at dumi ang aming mga malilit na paa. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa ang lamig ng batis kung saan kami naliligo, walang pakialam sa mga nakaakikita sa amin, parang mga ibong naka-buka ang pakpak para sa hangin. At sa isang maikling sandali na ito, aking naiisip kung gaano na kalaki ang pinagbago ng aking buhay, at gayon din ang mundong aking ginagalawan.

0