Answers

2014-09-02T20:42:30+08:00
Ang panghalip ng pananong ay ginagamit sa pagtatanong. Ito ay maaaring kumakatawan sa tao, hayop, bagay o gawaing itinatanong. May isahan at maramihan ang panghalip na pananong. 
1. Isahan: ano, sino, nino, alin, magkano at kanino. 
halimbawa: 
1. Ano ang bibilhin mo? 
2. Sino ang kasama mo? 
3. Bibisitahin nino ang mga bata sa ampunan? 
4. Magkano ang bili sa bago mong PSP? 
5. Kanino mo hiniram ang aklat na iyan? 

2. Maramihan: anu-ano, sinu-sino, ninu-nino, alin-alin, magka-magkano, kani-kanino. 
halimbawa: 
1. Anu-ano ang pinamili mo sa palengke? 
2. Sinu-sino ang kasama mo sa pamamasyal? 
3. Pupuntahan ninu-nino ang mag-aaral na may sakit? 
4. Alin-alin ang dapat ipunin? 
5. Magka-magkano ang ibinigay niyang aguinaldo sa mga bata? 
6. Kani-kanino ipinamigay ang mga relief goods?
4 4 4
2014-09-02T22:07:04+08:00
Ang panghalip na pananong ay nag ngangalan sa tao, hayop, bagay ,atbp.
ito ay gumagamit ng tandang pananong kagaya ng:
1.ilang taon kana?
2.saan ka nakatira?
3.ilang taon kana?
4.sino ang hinahangaan mo?
5.gusto mo ba ako?
2 5 2