Answers

2014-09-03T20:09:46+08:00
Japara, Mayo 25, 1899
Ibig na ibig kong makilala ng isang "babaeng moderno" iyong babaeng malaya, nakapagmamalaki't makaakit ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili, masigla't maagap na hinaharap ang buhay, puno ng tuwa at sigasig, pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan at kundi maging ang kabutihan ng buong sangkatauhan.
Buong kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong panahon; totoong sa puso't isip ko'y hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga puting kapatid na babae na tumatanaw sa malayong kanluran.
3 1 3