Answers

2016-03-21T03:21:22+08:00
Maraming uri ng pang-ugnay. 

1. Pang ukol o mga prepositions - ay nag-uugnay sa mga panggalan o panghalip sa iba pang bahagi ng pangungusap. 

Halimbawa: sa, para sa, ayon, para kay, ayon kay, na may

Nagpadala ng relief goods si mayor para  sa mga nasalannta ng bagyo.

2. Pangatnig o Conjunctions -  sila naman ang mga katagang nag-uugnay sa dalawang salita sa loob ng iisang sugnay o parirala at nagbibigay ng transisyon sa mga bahagi ng pangungusap.

Hal: at, pati, saka, ni, o, maging, ngunit, subalit, kung, upang, bago, dahil sa, sapagkat

Si Aida, si Lorna, at si Fe.

3. Pang-angkop o ligatures sila namay mga salitang naguugnay sa mga panuring at sa mga tinuturingan nito. Mayroong tatlong pang ankop na ginagamit:

na 
g
at ng

Hal: Maagang nagising si Inay para lutuin ang masarap na almusal para sa aming masayahing pamilya. 




4 4 4