Answers

2016-03-02T14:38:05+08:00
Niyebeng Itim 
Si Li Huiquan, isang dating bilanggo sa kampo na nakalaya na, ay bilanggo parin ang kaniyang isip at damdamin sa kalungkutan ng nakaraan at sa dating nakasanayan sa kulungan. Nagpakuha siya ng labinglimang litrato kasama si Tiya Luo na gagamitin para sa aplikasyon ng lisensya sa kariton at pagtitinda ng prutas. Ngunit hindi ito naaprobahan dahil puno na ang kota. Mayroon na lamang lisensya para sa tindahan ng damit, sombrero at sapatos.  Wala nang pakialam si Huiquan kung anuman ang maaaring itinda.  Ang mahalaga, mayroon siyang magawa. 

Paglabas nila mula sa compound ng gobyerno, nakabangga nila ang matabang lalake na si Hepeng Li. Yumuko si Huiquan, isang ugaling natutunan niya noong nakabilanggo siya sa kampo,bilang paggalang at pagsunod. 


Nilibot niya ang buong bayan upang maghanap ng mga parte na kailangan niya para sasakyan ng kaniyang paninda. Nakahanap siya at nakabuo siya ng natatanging sasakyan para sa kanyang paninda na naging sentro ng atensyon dahil ito’y kakaiba. 

Inimbitahan siya ni Tiya Luo para maghapunan sa bisperas ng Bagong Taon ngunit 
tinanggihan niya ito dahil kailangan niyang tapusin ang ginagawa niya bago mag bagong taon. At dahil narin sa lakas at ingay ng mga paputok ay iniwan muna niya ang ginagawa at naglasing. Naalala ang mga sandaling kasama pa niya ang kanyang ina. 

At sa ikalimang araw ng bagong taon ay ibinigay na kay Huiquan ang pwesto niya at nagsimula na siyang magtinda ng mga damit.  Isinampay niya ang ilan, inilatag ang iba, at isinuot ang isa.  Nakabenta siya ng dalawampung panlaming na angora sa kanyang unang araw kaya sumigla siya. At dahil sa wakas ay nagkaroon siya ng kontrol sa isang bagay at paakiramdam niya ay makapangyarihan siya. 
Sa sumunod na araw ay wala siyang masyadong nabenta ngunit isang araw nakapagbenta siya ng kasuotang pang-army sa apat na karpintero na kababalik lamang sa Beijing mula sa timog. Naligtas ang kanilang mga balat ng kasuotang panlamig ni Huiquan at iyon ay nagbigay ng inspirasyon sa kanya.
 “Tiyaga ang susi para sa isang buhay na matatag.  Kahit sa pinakamalalang panahon, walang ibubunga ang mawalan ng pag-asa.  Mas mabuting maghintay kaysa sa umayaw, dahil walang makaaalam kung kalian kakatok ang oportunidad,  Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay malas ka, hindi ba ?”  Nag-iisip si Huiquan.
74 4 74