Answers

2016-03-09T14:21:15+08:00
Florante - Anak ni Duke Briseo. Siya ang katambal ni Laura na prinsesa ng Kahariang Albanya. Nakita ng prinsesa si Florante bago ito nakilahok sa isang digmaan nang ang ang bayan ng kanyang ina na si Prinsesa Floresca ay sinakop ng mga Morong Persyano. Siya ang pangunahing taga-salaysay ng kwento at kinukwento niya ito kay Aladin, isang morong sumagip sa kanyang buhay mula sa leon nang siya ay ipagapos ng Kondeng si Adolfo.
Konde Adolfo - Si Konde Adolfo ang pangunahing antagonista ng nobela. Anak siya ni Konde Sileno ng Albanya. Ang unang pagkikita ni Florante at Adoflo ay sa Atenas kung saan parehong nag-aral ang dalawa.

Aladin - isang Morong Persyano at sumagip sa buhay ni Florante. Ang kanyang ama ay isang Sultan na nagngangalang Ali-Adab na umagaw sa kasintahan ni Aladin na si Flerida. Kilala si Aladin bilang isang magaling na mandirigma na iniidolo ni Florante. 
Laura - ang babaeng iniirog ni Florante. Anak ni Haring Linceo ng Albanya.
Menandro - ang kaibigang matalik ni Florante noong nag-aaral ang dalawa sa Atenas. Iniligtas din si Florante mula kay Adolfo matapos nitong tangkaing tagain si Florante habang nasa isang dula-dulaan. 
Flerida - ang pinakamamahal ni Aladin na inagaw ng kanyang ama. 
Mga iba pang tauhan
Duke Briseo - ama ni Florante at naglingkod kay Haring Linceo sa Albanya. Pinatay ito ng mga alagad ni Konde Adolfo.
Prinsesa Floresca - ina ni Florante. Siya ay mula sa Krotona, at namatay ng maaga na siya namang nagdulot ng pag-uwi ni Florante mula Atenas.
Antenor  - guro ni Florante, Konde Adolfo, at Menandro sa Atenas
Menalipo - pinsan ni Florante. Nailigtas niya rin si Florante sa kapahamakan mula sa isang bwitre na dadagitin siya noong sanggol pa lamang. 
Konde Sileno - ama ni Konde Adolfo, at ayon kay Florante, ay isang marangal na tao.
Haring Linseo - ang hari ng Albanya at ama ni Laura. Nabahiran ng mga usap-usapan ang pagtatapos ng kanyang pamumuno ukol sa paguutos nyang harangin ang trigo upang gutumin ang mga Albanyo.
Sultan Ali-Adab - ama ni Aladin at Sultan ng Persya. Pinatawan ng kamatayan si Aladin dahil sa pagkatalo nito sa Persya upang makuha si Flerida.
Osmalik - ang heneral ng hukbong Persyano na sumakop sa Krotona 
Miramolin - pinuno ng mga mananakop ng Albanya mula Turkiya
0