Answers

2014-09-22T08:54:05+08:00
Ang mga Minoan ay ang unang sibilisasyo sa Gresya. Sila ay lumitaw galing sa isla ng Crete. Sila ay tinatawag na Minoan hango sa pangalan ng kanilang hari na si haring Minos. Ang Knossos ang kabisera ng Crete at ang pinagtayuan ng Palasyo ng Knossos.  Sila ay mapayapa at hindi mahilig makipag-digmaan.


Ang mga Mycenaean ay kabaliktaran naman ng mga Minoan. Sila ay nanggaling sa Peloponnesus. Tinatawag nilang “wanax” ang kanilang hari. Sila ay kilala sa Trojan War  kung saan nasakop nila ang Troy. Ehipto at Cyprus din ang iba sa kanilang mga sinakop. Sila din ay kilala dahil kay Homer na nagsulat ng sikat na Epikong Iliad.

2 5 2