Answers

2014-09-22T13:51:13+08:00
Tulang Liriko. Itinatampok dito ng makata ang kanyang sariling damdamin at pagninilay at hindi gaano ang mga panlabas na pangyayari at tagpo sa buhay o ang kalagayang kinaroroonan. 

Ang mga uri nito ay ang mga sumusunod: 


a. Awit �Ang karaniwang paksa nito ay pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan. 

b. Soneto � Ito ay tulangmay 14 na taludtod, hinggil sa damdamin at kaisipan, may malimaw na kabatiran sa likas na pagkatao. 

c. Oda � Ito ay nagpapahayag ng isang papuri ng isang panaghoy o ng iba pang masiglang damdamin, walang tiyak na bilang ng pantig o taludtod sa isang saknong. 

d. Elehiya � Nagpapahayag ito ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o kaya�y tula ng pananangis lalo na sa paggunita sa isang yumao. Ang halimbawa ay tula ni Jose Corazon De Jesus na �Isang Punong Kahoy�. 

e. Dalit � Ito ay mga awit na pumupuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen. 


2. Tulang Pasalaysay. Naglalarawan ito ng mga mahahalagang tagpo o pangyayari sa buhay na natatagpuan sa mga taludtod na nagsasaaysay ng isang kwento. 


a. Epiko o Tulang Bayani � Ito ay nagsasalaysay ng kabayanihang halos hindi mapaniwalaan sapagkat nauukol sa mga kababalaghan. Halimbawa nito ang epiko n mga Ilokano na �Biag ni Lam-ang.� 

b. Korido � Ito ang tulang nagtataglay ng walong pantig sa bawat taludtod. Karaniwang mahaba at may mahusay na banghay ng mga pangyayaring isinasalaysay. May himig mapanglaw at malimit na may paksang kababalaghan at maalamat at karamihan ay hiram sa paksang Europeo. Ang halimbawa nito ay �Ibong Adarna.� 

c. Awit � Ito ay nagtataglay ng labindalawang pantig sa bawat taludtod. Higit na masigla ito kaysa korido. May malambing at marikit na pangungusap at nangangailangan ng malalim na kaisipan. Ang halimbawa nito ay ang tulang �Florante at Laura.� 


3. Tulang Pandulaan. Sadyang ginawa ito upang itanghal. Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng, o dili kaya�y naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw na buhay. Patula ang usapan dito. 

Saklaw ng uring ito ang nga komedya, trahedya, melodramang tula, dulang parsa.

1 4 1