Answers

2014-09-25T14:59:47+08:00
Matatagpuan sa rehiyon ng Bikol sa Luzon ang Sorsogon. Lungsod Sorsogon ang kabisera nito. Ang Albay ay nasa hilaga ng Sorsogon habang ito naman ay nasa dulo ng tangway ng Bikol.Nahahati sa 14 munisipalidad at isang lungsod ang Sorsogon. Sorsogon ang pangalan ng lungsod nito na kabisera at pangalan din ng lalawigan. Kabilang sa mga munisipalidad ng Sorsogon ang Barcelona, Bulan, Bulusan, Casiguran, Castilla, Donsol, Gubat, Irosin, Juban, Magalla, Matnog, Pilar, Prieto Diaz, at Santa Magdalena.Bikol ang pangunahing wika ng mga taga-Sorsogon. Gumagamit at nakaiintindi sila ng  wikang Filipino at Ingles.
0