Answers

2015-08-19T21:30:41+08:00
Maraming Bahagi ang Pahayagan. Ilan sa mga pinaka-popular na bahaging makikita sa maraming malalaking dyaryo ay ang mga sumusunod:

Pangmukhang Pahina (Front Page) - makikita rito ang maraming iba pang bahagi ng pahayagan tulad ng "ears", banner, banner story at iba pa. Ngunit sa pinakamadaling salita ay ito ang naglalaman ng mga pangunahin at pinakamahahalagang balita. Kadalasan ay pinpututol ang mga balita sa bahaging ito upang makapaglagay ng mas mararaming balita at ang mga naputol na bahagi ng balita ay dinadala sa mga jump pages.

Pandaigdigang Balita - ito ang seksyon kung saan makikita ang mga balitang nangyari sa iba't ibang panig ng mundo.

Balitang Nasyonal - naririto ang mga balitang binbigyang diin ng pahyagan. Sa madaling salita, narito ang mga balitang nais malaman ng maraming mamayan. Nakalagay dito ang mga aksyong pampolitikal, mga isyung pambayan na malaki ang impluwensiya sa lipunan, pangkalahatang seguridad at iba pa.

Balitang Panlalawigan - dito naman nakalagay ang iba't ibang balit na nakalap mula sa mga lalawigan ng bansa/

Pangulong Tudling - mas popular bilang Opinion Page o Editorial Page, dito makikita ang mga Column, Editorial, at Editorial Cartoon ng pahayagan. Dito rin pinupuna o binibigyang opinyon ang mga malalaking paksa na inilalarawan ng balita.

Balitang Pang-komersyo o Business news - gaya ng pangalan nito, dito makikit ang mga balitang nakapatungkol sa pangangalakal, pera, ekonomiya at entrepreneurship.

Classified Ads - dito mababasa ang maraming mga paskil tungkol sa pagbebenta ng mga gamit, pagaanunsyo ng trabaho, at iba pa.

Obitwaryo - dito mababasa ang mga anunsyo para sa mga taong pumanaw.

Libangan - sa pahinang ito nakalagay ang mga balitang nakapatungkol sa mga artista, pelikula, telebisyon at iba pang sining. Dito rin makikita ang peyborit mong kroswrod, komiks at horoscope.

Lifestyle - dito naman nakalagay ang mga feature articles tungkol sa paglalakbay, pagkain, tahanan, paghahardin, at iba pa.

Sports page- dito mababasa ang mga baltang pampalakasan , sprorts editorial at sports cartoon
15 4 15