Answers

2014-03-18T19:08:12+08:00
Ako, marunong ako. :D Kaso medyo mahirap magbigay ng example, pero sige. Basic muna. Haha.

Ano ang derivative ng 3x^{2} + 4x -25?

Para kunin ang derivative ng x sa sinabing function:
Una, kailangan nating i-multiply ang value ng exponent ng variable sa coefficient.
Pangalawa, magmi-minus tayo ng 1 sa exponent ng variable. 
(Sorry medyo magulo, ipapakita ko na lang.)

[3*(2)]*x^{2-1} + 4(1)*(x^{1-1})

Bakit nawala 'yung 25? Kasi isa siyang constant at wala naman siyang variable kaya hindi na siya kasama sa magiging sagot ng derivative.

So ang sagot dito ay 6x+4

Gamit ang concept na ito, masasabi natin na ang derivative ng 12x^3 ay 24x^2.

Subukang sagutan ang mga ito:
1. x^{10}
2. 9+25x+14x^2
3. 8x^{\frac{1}{2}}

Practice muna sa basics tapos kapag okay ka na dito, i-message mo na lang ako para makatuloy tayo sa differentiation formulas. :D

Kung gusto nyong i-confirm kung tama ang sagot nyo o may mali sa mga sinabi ko, welcome na welcome na mag-comment o magmessage sa akin. :)
0
*correction: 'yung derivative ng 12x^3 ay 36x^2. Sorry XD