Answers

2016-03-10T14:36:47+08:00
May iba't ibang uri ng pangungusap. Sila ay ang mga sumusunod:

a. Paturol - mga pangungusap na nagsasalaysay o nagsasabi ng isang estado. Nagtatapos ito sa tuldok.

Mga halimbawa:

1. Kinuha ni Jemma ang bag ni Rhea kaya nagalit ito.
2. Nagpunta kami ni inay sa palengke upang bumili ng mga sangkap para sa sinigang.

b. Pautos - ito ang mga pangungusap na nagsasabi ng mga direksyon o ng mga dapat gawin. May ibang bersyon ito na tinatawag na "pakiusap" na siya namang nagdadagdag lamang ng salitang "paki" sa inuutos nito.

Mga Halimbawa:
1. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
2. Anak, pakibuksan mo naman ang pinto, nariyan na ang itay mo. (Pakiusap)

c. Patanong -  mga pangungusap na nagtatanong o humihingi ng impormasyon. Kadalasang nagtatapos sa tandang pananong. (?)

Mga halimbawa:
1. Nasaan ang nanay mo?
2. Iniibig mo rin ba ako?

d. Padamdam - mga pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin o emosyon. Nagtatapos sa tandang padamdam (!)

Mga Halimbawa:
1. Sumigaw ako ng "sunog!"
2. Ay Naku! Yan na nga ba ang sinasabi ko!

4 4 4