Answers

2016-02-19T11:29:12+08:00

This Is a Certified Answer

×
Certified answers contain reliable, trustworthy information vouched for by a hand-picked team of experts. Brainly has millions of high quality answers, all of them carefully moderated by our most trusted community members, but certified answers are the finest of the finest.
Ang kuwento ng "Walang Sugat" ay tungkol sa pag-iibigan sa gitna ng digmaan. Ito ay tungkol sa pag-iibigang Julia at Tenyong na sinubok ng pagkakataon dulot ng pananakop ng mga Kastila. Napagkamalang rebelde ang tatay ni Tenyong kaya ikinulong at pinatay.Dahil dito sumumpang maghigante is Tenyong at naging rebelde kahit ayaw ni Julia. Sa huli ay sinuportahan na rin ito ni Julia at nagsumpaan pa rin silang mag-iibigan. Akala ni Julia ay patay na si Tenyong kaya pumayag na lang magpakasal kay Miguel ngunit biglang dumating si Tenyong sa araw ng kasal na puno ng sugat at agaw-buhay. Hiniling ni Tenyong na ikasal siya kay Julia bilang bahagi ng kanyang huling kahilingan dahil siya ay mamamatay na. Pumayag naman si Miguel dahil mamamatay din naman si Tenyong ngunit pagkatapos ng kasal ay biglang tumayo si Tenyong. Nagsigawan ang mga nakakita "Walang sugat! Walang sugat!"
1 4 1