Answers

2014-10-23T15:06:03+08:00
Sa itaas ay natatanaw
Ang liwanag ng Haring Araw
Inaruga, inalagaan
Init ng buhay sa 'yo ay bibigyan

Naghihintay ng tag-ulan
Na sa lupa sana ay diligan
Ng ulap na sa kisap mata'y naglalaho
Sa kapatagang punong puno ng pangako

Ako'y nandito at nakaupo
Pinagmamasdan ang bawat pag babago
Tulad mo ay isang halaman
Walang hinangad kundi ang lumago
3 5 3
2014-10-23T17:23:48+08:00
Panginoon,iyong dinggin
ang samo ko at dalngin;
mga halaman ko't tanim
sa hamog inyong diligin

ang rosas na mapupula
ang mabango't puting kamya
magagandang sampagita
patnubayan lahat sila

pasikatin yaong araw,
kapag sila nauuhaw
ipatak munting ulan
hayaang siya mabuhay
3 2 3